April 2006 nasa Cultural Center of the Philippines Parking lot ako 7:00 ng umaga, maraming tao lahat masaya, kasama nila ang mga mahal nila sa buhay, mga magulang, ate, kuya etc.. Lahat ng tao dun bakas sa mga mukha nila ang saya kumbaga mga sundalong nakalampas sa giyera ng buhay. nakasuot sila ng itim na toga na ang iba naman may nakadikit pang bulaklak sa parteng dibdib nila, lahat nagpapakuha ng litrato kasama ng magulang, kapatid, kasintahan at mga kaibigan.. souvenir photo daw. Ganyan ang sitwasyon sa daang daang mga estudyante na magtatapos sa kolehiyo ng mga oras na nun. Pero ako naka maong lang at simpleng Polo shirt, wala akong toga sapagkat di ako magtatapos, kasama ko ang kapatid ko na kabilang sa mga grupo ng mga estudyante na magtatapos sa araw na yun. Masaya ako sa mga oras na yun... masaya ako para sa kapatid ko dahil alam nating lahat na mahirap ang kursong nursing, pero sa loob ko hiya at pagsisisi ang nararamdaman ko. Bigla ko na lang nasabi sa sarili ko" Sana naranasan ko rin yan".
Panganay ako sa tatlong magkakapatid, di naman kami nakakaangat sa buhay pero ginawa lahat ng magulang namin para makapag aral kami sa college, lahat ng kailangan sa eskwelahan pilit binibigay nila para may makuha kaming mataas na grado. Elementary at highschool ako, di sa pagmamalaki mataas ang grado ko sa katunayan nung Elementary pa ako kasama ako sa Honor list mula unang baitang hanggang makapagtapos ako ng elementarya, nung Highschool ako wala man ako sa Honor list masasabi ko pa ring mataas pa rin ang mga grades na nakukuha ko, kaya nung nakapagtapos ako ng highschool agad akong kumuha ng entrance exam sa Adamson University dahil kukuha ako ng kursong Computer Engineering pinili ko ang Adamson dahil medyo mababa ang matrikula at maganda ang kalidad ng edukasyon doon, kaya laking pasalamat ko nung makapasa ako sa entrance exam dun, kaya nung magsimula ang klase laking tuwa ko dahil bagong paaralan, bagong kakilala, maayos na uniporme, bagong environment kumpara nung Highschool pa ako sa probinsya namin sa paaralang pampubliko na puting T-Shirt lang ang isuot mo ay ayos di tulad nung pumasok ako sa unibersidad naka polo barong ako at medyo asul na pantalon. Unang semestre pa lang bumagsak na ako sa 4 kong subject, Algebra, Trigonometry, Chemistry Lab at Chemistry Lecture. Nanibago ako sa style ng pagtuturo at medyo istrikto pala dito sabi ko sana highschool pa lang ako sineryoso ko na ang mga subject na iyun. Kinausap ko ang mga magulang ko sabi ko sa susunod na semestre babawi ako, nang dahil sa mga subject na ibinagsak ko naging under probation ako na ibig sabihin limitado lang ang kukunin kong subject sa darating na semestre ganun pa man nag enroll pa rin ako kahit watak watak ang subject ko hindi na ako regular student, pero ok lang dahil gusto ko makatapos ng computer engineering, pero natapos na ang semestre ganun pa rin may bagsak pa rin ako, under probation pa rin hanggang sa summer class at dumating ang ikalawang taon ko sa kolehiyo ganun pa rin ang ngyari sa akin. Nung matapos ko ang dalawang taon ko sa kolehiyo naisipan ko ng lumipat ng unibersidad at sinabi ko sa magulang ko na babawi ako. PInagbigyan naman nila ako at naghanap ako ng bagong eskwelahan hanggang mapunta ako sa East Asia College tinanggap nila ako kaya lang bukod sa subject na P.E. wala ng ibang subject na ma crecredit kaya nagkaganun pa man nag enroll pa rin ako bilang estudyante sa kursong computer engineering. Bagong environment sabi ko sa sarili ko 2 taon ang nasayang ko ngayon babawi ako, palibahasa kokonti pa lang ang estudyante nung mga panahon na yun dahil bago pa yung iskwelahan, (sa palagay ko wala pa kaming isang libong mag aaral sa eskwelahan na yun), madali mong lapitan ang mga guro upang magtanung sa mga hindi mo maintindihan sa mga lessons kumbaga napansin ko teacher-student relationship. ang mga guro dun madaling kausapin at lalapitan upang magpaturo kumbaga ang turing sayo barkada. Hindi tulad sa ibang malalaking unibersidad may mga gurong mahirap hagilapin di masyado namamansin sa mga estudyante (yan ay ayun sa napansin ko). unang semestre sa bagong kong paaralan naging matagumpay ako pasado lahat ng subjects ko sa mga panahong din yun kasabay kong pumapasok ang kapatid kong sumunod sa akin, magkatabi lang ang unibersidad na pinapasukan nya. Naging aktibo na rin ako sa mga activities sumali na rin ako sa mga organization at sa basketball team, kaya lang sa mga sumunod na semestre may paisa isa na akong bagsak hanngang sa dumating ang oras na bumaliktad ang sitwasyon paisa isa na lang ang naipapasa kong mga subject. Hindi ako nalulong sa masamang bisyo o napasama sa mga di mabuting barkada. Maraming pera na rin ang nawaldas ko sobra sobra ang nahihingi kong pera sa magulang ko, may mga project na kung anu anu pero wala naman. Dalawang taon na naman ang nasayang wala akong ibang sinisisi kundi sarili ko hindi ako nalulong sa masamang bisyo, hindi ako sa napasama sa hindi mabuting barkada kundi dumating yung punto sa buhay ko na tinamad ako mag aral at sobrang nag enjoy sa buhay sa Maynila yung tipong parang independent ka. Nagpalit na rin ako ng kurso yung associates lang pero wala ring nangyari tinamad na ako at nahiya sa mga taong nakapaligid sa akin hanggang sa tuluyan na akong huminto sa pag aaral taong 2005. Lahat ng mga kababata ko na nakapagtapos na iniiwasan kong itanung nila sa akin kung tapos na ba ako o hindi at kung anung kalagayan ng pag aaral ko. Hiyang hiya ako sa kanila at sa mga taong nakapaligid sa akin. May mga kabataang gusto makapagtapos pero wala silang pera samantalang ako ginagawa lahat ng magulang ko makapag aral lang ako pero anung ginawa ko? isang estudyanteng nagloko sa pag aaral......
CCP parking area halos tanghali na tapos na ang seremonya masayang masayang lumabas ng bulwagan ang mga estudyante kasi ganap na silang "Graduate" kabilang diyan ang kapatid ko masaya ako sa kanya at masaya ang buong pamilya namin pero lingid sa kanila ang nararamdaman ko sa loob ko ay hiya at inggit sa aking kapatid. Sobrang nagsisisi ako sa mga pinaggagawa ko sa buhay ko habang tinitignan ko ang pamilya kong masaya lalo na ang mga magulang namin, alam kong marami silang mga sakripisyo para lang maibigay nila sa amin ang mga pangangailangan namin lalo na ang aking ina na isang guro at aking ama na isang driver. Sabi nila laging nasa huli ang pagsisisi. Tulad ko malaki ang pagsisisi ko sa buhay, hindi ko pinapakita ang emosyon ko sa ibang tao gusto kong humingi ng tawad sa mga magulang ko pero wala akong lakas ng loob na sabihin yun. Pero hindi pa huli ang lahat nag enroll ako ng Short Course sa Designing sa loob ng 2 buwan natapos ko kahit short course lang masaya ako dahil isa rin ang hilig ko ang designing gamit ang computer.
Sa kasalukuyan andito ako sa Saudi Arabia, pangarap ko rin makapag trabaho sa ibang bansa bilang isang Computer Engineer. Andito nga ako sa ibang bansa ngunit hindi bilang isang Computer Engineer bilang isang AutoCAD Operator, sa tulong na rin ng isang tiyuhin ko madali ako naipasok dito at dahil na rin sa certificate ko sa designing.Masaya ako sa kalagayan ko ngayon, sabihin na nating sinuwerte ako, hindi man ako nakapag tapos ng pag aaral pero andito ako ngayon may maayos na trabaho, sa atin sa Pinas may mga nakapagtapos pero walang trabaho, may mga gusto mag trabaho sa ibang bansa pero hirap sila makahanap ng trabaho kung hindi man naloloko pa sila ng mga agency o kaya mga employer nila, kaya nung sinabi ng tiyuhin ko na kailangan nila ng tao at magtrabaho ako dito sa kompanya tinnggap ko na yung oportunidad kahit biglaan ang pangyayari. Hindi ko iniisip na ito ang katuparan ng pangarap ko kundi ito ang panahon na pinagkaloob sa akin na magbago sa buhay at bumawi sa mga pagkakamaling nagawa ko. Isang linggo bago ang alis ko tahimik ako sa terrace namin habang humihithit ng sigarilyo at naiisip ang mga pangyayari sa buhay ko noon may masaya, may malungkot, at may mga bagay na ayaw ko na balikan. Hanggang dumating ang araw ng pag alis ko, medyo mahirap na iwan ko ang mga mahal ko sa buhay lalo na ang aking kasintahan na gumabay sa akin laging nagpapalakas ng loob ko sa mga panahong bagsak na ako, pero tiniis ko lahat dahil kung kailangan ko magbago dapat tulungan ko rin ang sarili ko. Kasabay na pag angat ng eroplano iniwan ko na rin ang mga karanasan ko at mga pangyayari na sobrang pinagsisihan ko. Sabi ko bagong bayan bagong buhay.
Mahigit isang taon na ako sa dito sa kompanya maayos ang trabao ko maganda ang sweldo at kahit papano nakakatulong ako sa pamilya ko kahit konti. Mahirap malayo sa pamilya pero mas masarap ang nakakatulong sa pamilya. Kaya sa tuwing nalulungkot ako iniisip ko lagi ang pamilya ko, andito ako dahil sa kanila gusto ko makabawi sa kanila diko man humingi ng tawad sa kanila sa mga nagawa kong pagkakamali noon diko magawa kaya sa pagtulong ko sa kanila ng pa unti unti makabawi ako sa kanila at sa simpleng text lang nila at makita ko lang silang masaya ay malaking bagay na yun sa akin upang magbigay lakas sa akin upang labanan ang kalungkutan at magsikap para sa kanila. Ngayon masaya ako at sabihin na nating swerte, kung wala yung mga di magandang pangyayari sa buhay ko wala siguro ako ngayon dito, ang mga ngyari sa sa buhay ko maganda man o hindi isa yun sa mga kabanata ng aking buhay na siyang naghubog kung anu man ang natatamasa ko ngayon dahil lahat ng mga ngyayari dito sa mundo ay may dahilan. Hindi pa huli ang ang lahat hanggat maaga subukang ituwid ang mga pagkakamali, dahil ang pagbabago ay parang pagpasok sa opisina kailangan maaga nagigising upang mahabol ang sasakyang bus pagpasok dahil pag nakaligtaan mo yan baka wala ng kasunod.............. "Mac!!!! Gising na! Paalis na ang Service Natin!"
Miyerkules, Hulyo 2, 2008
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento