Sabado, Hunyo 21, 2008
1st day of the week..... nakakabagot
Kahapon Saturday June 21, 2008, wala lang 1st day of the week dito as usual pagdating dito sa field office 7:00 in the morning kain ng breakfast ulam ko adobo tapos nagkape tapos yosi..(sarap ng buhay ko dito noh!) ako lang kasi ako dito today si engineer ko at yung isang utility namin pumunta sila Al Beish for survey work, baka kasi may makuha kaming project dun. Nakakalungkot nga kahapon kasi boring dito sa office sound trip lang ako ng mga songs ni Bob Marley habang nagbrobrowse sa internet eh offline naman mga friends ko nakakainis tuloy... namimiss ko na ang Pilipinas, 1 year and 4 months and 4 days, 13 hours na akong andito sa lupain ng mga Arabo ( eksaktong kwenta yan!). Balik tayo dito sa buhay sa field office... 3 months after I worked in head office in Jeddah nadestino agad ako dito sa Jizan almost 1,000 Km. away from Jeddah.... 1,000 Km????????? Holy Shit!! bakit ako??? kinausap naman ako ng Division Manager namin at sinabi nyang "your going to Jizan and I will double your salary!" Huh???? sarap nun! kaya lang bigla akong nagising late na pala ako... panaginip lang pala.. hehehe, sabi nya may bagong Project daw sa Jizan and maybe I will learn a lot of things there kasi nasa job site mismo ako and i'm going to handle marine works, di na ako nakatanggi since ako ang pinaka bago dito sa group namin and tapos na ang project ko sa Jeddah.. kaya ayun napunta na ako dito 1 taon at 1 buwan na ako dito nasanay na rin dito lalo na sa klima sobrang init dito eh pero ayos lang may mga kasama naman akong Pinoy dito kaya lang sa site sila nagtratrabaho.... tyaka may TFC kami dito kahit papano nakakabawas ng Homesick at nalalaman kung anu nangyayari sa Pinas. Di bale konting tiis na lang after this project balak ko ng magbakasyon maybe first quarter of 2009... anu kaya mga latest happennings sa Pilipinas? napaka istrikto kasi dito eh, anyway sabi nga nila basta may tiyaga may nilaga.. wag lang matuyuan ng sabaw........hanggang sa muli kaibigan!
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento