
Hi welcome sa blog ko, just call me bob marcky la lang walang magawa kaya naisipang gumawa ng blog ko..maybe epekto ito ng masyado ng homesick he, he, he, kasalukuyan akong andito sa gitna ng disyerto sa lupain ng mga Arabo, mahigit 1 taon na ako dito ayos naman ang buhay dito kahit papano nakapag adjust na yun nga lang medyo istrikto maraming bawal. Sa katunayan wala akong hilig mag post ng kahit anu kahit sa mga forum parang wala akong gana pero heto ako ngayon nagsusulat dito sa blog... siguro kailangan ko naman ng pagbabago kasi ako ang taong laging may topak ha! ha! ha! mahilig akong sumubok ng mga bagay bagay na bago medyo mahilig sa adventure ika nga nila, sabihin na nating nag eenjoy lang ako at siguro sa pamamagitan ng blog na ito maari kong ilabas ang mga saloobin ko at mga walang kwentang bagay bagay na maisipan ako at gusto ko gawin, lagi ko na lang kasi kausap sarili ko kaya siguro ito na ang panahon para maisawalat ko naman ang mga walang kwentang ideas ko he, he, he, anyway kung sino ka man na nagbabasa nito maraming salamat sa iyo, kung may suhestiyon ka man o mga puna mag comment ka lang para sa ikabubuti ng blog ko (kung meron man) maraming salamat sa inyo...